Sabado, Setyembre 9, 2017

Venice Piazza ❌ Korean Temple ❌ Caleruega






(Venice Piazza)

Kami ng aking pamilya ay nagpunta sa Venice Grand Canal sa Mckinley Hill, Taguig upang mamasyal.




Ilan ito sa mga magagandang tanawin na nakuhanan ko. Hindi nakakapagtaka na dinadayo ito ng mga tao dahil sa ganda ng lugar na ito.



Napakaraming tao! Ang lahat ay gustong makakuha ng magandang litrato. Siguro din kaya madaming tao dahil walang pasok at family day noong araw na ito. 



(Korean Temple)

Nang sumunod na araw, nagpunta naman kami sa korean temple. Ito ay matatagpuan sa isang bayan sa Silang Cavite. Bandang looban siya kaya sadyain ang pagpunta ng mga tao dito. 






Hindi kami pinayagang pumasok sa loob nito dahil para lang daw ito sa mga koreanong pari kung kaya't sa labas nalang nito ako kumuha ng litrato. Nasa gitna ang malaking buddha na kanilang dinadasalan. Napakalinis ng loob ng templong ito. 




Hindi ako mahilig sa picture kaya naman ako nalang ang nagsilbing taga kuha nila ng litrato. Isa ito sa mga magandang litrato ng aking pinsan na nakuhanan ko dito. ðŸ˜Ž


(Caleruega Church)



Ang huli naming destinasyon ay ang Caleruega Church. Ito na ang pangalawang beses ko na makapunta dito pero nabibighani parin ako sa ganda ng lugar lalo na ang simbahan na ito. Pagpunta namin dito ay mayroon atang kasal na gaganapin dahil nakita namin na may mga naka damit na pormal at naka barong na mga nagdatingan.





May mga Koi fish din kaming nakita sa parang maliit na lawa doon. Ang ganda dahil kalikasan talaga ang pinaka tema ng lugar na ito. Magandang gawing pasyalan ng mga taong gusto ng tahimik at maganda sa mata na mga tanawin.